Ang sagot sa pag-unlad ng edukasyon sa Pilipinas ay nakasalalay sa teknolohiya. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay kasalukuyang nagtatagumpay sa pagpapalaganap ng mga kaalaman at patuloy na nagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa tulong ng makabagong teknolohiya.
Ang teknolohiya sa pagtuturo. Ang mga guro sa makabagong panahon ay gumagamit ng teknolohiya upang maging madali at mas epektibo ang pagtuturo. Sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitan tulad ng kompyuter at LCD projector naipapahatid ng mga guro ang maraming kaalaman na kinakailangan ng mga kabataan.
Ang tekolohiya sa pag-aaral. Ang makalumang paraan ng pag-aaral ay napalitan na ng teknolohiya. Ang mga kabataang Pilipino ay lumalawig na sa pagtuklas ng mga konsepto, mga pilosopiya, mga batas, mga teorya at iba pa na naging mas madali sa pamamagitan ng tinatawag na internet mula sa makabagong teknolohiya.
Ang teknolohiya sa pagpapalaganap ng kaalaman. Maraming sangay ng karunungan ang naipahahatid ng teknolohiya. Marami ring bagay ang nabibigyang larawan at kaalaman sa dulot ng teknolohiya. Isang madaling paraan ang pagpapalaganap ng mga bagay-bagay ang nagagampanan ng teknolohiya.
Ang teknolohiya sa paghahasa ng kasanayan. Sa tulong ng teknolohiya maaring mahasa o mapanday ng isang kabataang Pilipino ang kanyang kasanayan.Sa mga direksyon na naipapatupad ng teknolohiya ay maaaring malinang at mapagbuti ang minimithing kasanayan.
Ang teknolohiya sa pag-unlad ng bawat mag-aaral. Kung dati ay mga aklat lamang aat kuwaderno ang kaharap sa pag-aaral ng bawat kabataang Pilipino, ngayon ay may mas mataas na uring kagamitan at paraan ang maaaring magamit. Sa kagalingan ng teknolohiya ay aangat ang bansang Pilipinas.
Ang teknolohiya ay pag-sulong ng Bayan. Ang bawat pag-unlad ay magiging daan sa pag-sulong ng bayan. Kung ang bawat kabataang Pilipino ay tutugon sahamonn ng teknolohiya ay aangat ang bansang Pilipinas.
Ang teknolohiya sa makabagong mag-aaral na Pilipino. Ang makabagong mag-aaral na Pilipino ay may kaalaman sa paggamit ng teknolohiya. Bilang isang mag-aaral, siya ay yumakap at buong pusong tumanggap sa biyaya ng teknolohiya.
Sadyang ang teknolohiya ang daan sa mas maunlad na edukasyon!