Walang kasiguraduhan sa kinabukasan.

Sa kanyang puso’t isip laman ang Inang – Bayan.

Kalayaan niya ay pilit ipaglalaban

Parang pag-ibig na hinadlangan ng sambayanan.

Lahat ng hirap, sakit at pagtiis ay di alintana

Makamtam lamang ang tagumpay para sa kanya

Makita lamang ang ngiti, marinig lamang ang tinig

Nang sariling bayang pinag-alayan ng pag-ibig

Walang pag-aalintanang inialay ang buhay

Para sa isang bagay na hindi niya matatamasa

Pikit – matang sinalubong galit ng dayuhan

Pikit – matang tinanggap ang dusa para sa bayan.

Ngayon, ang kanyang tanong,

Ito ba’y may katuturan

Pagkat mula sa kanyang bantayog,

Kita niya ang kanyang kabiguan

Hanggang ngayon, dayuhan ay nananahan

Wika’y samu’t sari, limbag ay napalitan

Kasuota’y hindi makilala

Tila nalimot na ang tunay na para sa bayan.

Para saan ang sakripisyo

Kung hindi rin naman lumayo sa mga dayo,

Nakakahinayang, nakakalungkot

Parang siya pa ang dayuhan sa sariling bayan.

Search

Go to top