Kilala ko na nga ba ng lubusan ang aking sarili?  Ako nga ba ay bilang ako???

            Maraming bagay ang masasabi ko na lubos ko na ngang kilala at subok ko na ang totoong ako.  Ako si Cecille Cruzat Viray, ako ang pangatlong anak sa aming magkakapatid, ako ang taong simple lang.  Simpleng taong may maraming pangarap sa buhay.  Ako bilang anak na masunurin sa magulang, ako bilang asawang mapagmahal, ako bilang isang inang mapagkalinga at ako bilang empleyadong kayang magtiis ng pagod, sakripisyo at dedikasyon upang maibigay ko ang tamang paglilingkod sa bayan ko.

            Hindi ko sasabihing perpekto ako na hindi nagkakamali at walang nagagawang hindi tama.  Lahat tayo ay nagkakasala pero nasa ating sarili din ang pagtutuwid ano mang pagkakamali ang nagawa natin.

            Sa ngayon masasabi kong masaya at makulay ang buhay ko, una sa lahat dahil sa paglilingkod sa Diyos, may simple at masaya akong pamilya, hanapbuhay na tumataguyod sa amin, mga kaibigan na handang tumulong at sumuporta at higit sa lahat may pusong kilala “ako bilang ako.”

           

Search

Go to top