Walang Inuurungan

Pagsubok.

Minsan  kailangang magpaalam, kahit masakit kailangan lumisan.

Masayang nakapagtrabaho bilang tagahasik ng kaalaman sa mga kabataan, kung saan nakapagtapos din ang inyong lingkod dito sa paaralang maraming naging matagumpay sa buhay, ang Bataan National High School taong  1997.

Walang hatid saya sa pakiramdam , ang makapagturo sa ilang taon ding makaniig ang mga mag-aaral na ituturing mong kapamilya kahit sampung buwan lamang nakasama. Matuwa , mainis, magalit, ay talagang kasama mo sa puso bilang isang guro, ngunit sa huli , ipakikita mo pa rin sa kanila na ikaw ay isang guro, pangalawang ina  na kailangan igalang dito sa paaralan.

Paglisan.

Darating sa buhay ang mga bagay na di inaasahan, magkaroon ng problema sa pangangatawan, ang papiliin ka ng pagkakataon kung kalusugan o ambisyon na maging ina sa mga anak mong tinuring .

Dahil may sariling pamilya at anak na kailangang timbangin kung ano ang higit na mahalaga, kalusugan o karera… sa panahong ito, dalawa ang gumawa ng desisyon , magkatuwang  ang mag-asawa. Kailangang tingnan, timbangin ang mga bagay na makabubuti sa munting anghel  na biyaya mula sa itaas. Dahil sa kanya, kahit masakit sa kalooban , kailangang lisanin ang paaralan at magpaalam sa mga kasamang guro at mas nakalulungkot sa mga kabataang umaasa sa iyo bilang ina , araw-araw na kasama ka ay bigla kang lumisan .

Matapos ang gamutan, nakapagpahinga.

Hindi mapalagay , hindi sanay ang katawan na walang pinakakalibangan, bagama’t may inaasahang kabiyak, katuwang sa buhay , di naman kayang manatili sa tahanang walang pagkakakitaan. Marahil may gustong patunayan, na di kailangang umasa sa kapwa, dahil may sariling kakayanan.

Kung kaya nila kaya ko rin.

Nagawang maging klerk sa kapulisan, simpleng trabaho kung tutuusin dahil kung ikaw ay isang guro , makakaya ang lahat at makakapantay ang iba sa larangan dahil likas ang katalinuhan. Madaling makahalubilo , sapagkat iba-iba ang ugali ng mga mag-aaral na nakaharap pati ang mga magulang.

Sa huli nais kong  ipabatid na hindi isang larangan ang kaya ng isang guro na lumisan sa kanyang direksyon, kung kaya nila ay kaya rin namin. May pag-asa kami sa ibang larangan, may naging matagumpay .

Narito ako , muli haharap sa pagsubok, ipakikita ang kakayahang makipagsabayan sa iba , dahil mahal ko ang aking propesyon, nais kong sa paaralan din makita ang aking kakayahan, kahit sa ibang linya pa ng trabaho.

Para sa aking pangarap , wala akong inuurungan .


Print   Email