SANDATA NG MGA GURO

Nakakagulat ang mga nangyari. Sa isang iglap lang marami ang naapektuhan ng pandemya. Maraming tao ang natakot dahil hindi biro ang pandemyang kumakalat sa buong mundo. Marami ang nawalan ng hanapbuhay at ng mga mahay sa buhay subalit di nagpatinang ang Kagawaran ng Edukasyon. Ang mga pamunuan at mga guro ay gumawa ng paraan upang abutin ang maramin kabataan.

              Ipinamalas at ibinahagi ng mga guro ang kanilang husay sa pagbuo ng mga kagamitang panturo sa bagong normal na edukasyon. Hindi matutumbasan ang kanilang hirap, pagod at pagtityaga sa pagbuo ng mga modyul. Akala ng iba pasarap lang sila sa bahay. Hindi nila alam ang  pagsasakripisyo ng mga guro maabot lang ang kanilang mga mag-aaral. Inaabot ng madaling araw sa paggawa ng mga activity sheet. Nakatutok sa mga kabi-kabilang webinar upang mapag-ibayo pa ang kanilang kahusayan sa pagsusulat at pagtuturo.

              Kahit gaano kahirap ang ating sitwasyon, ang mga guro ay handang maglaan ng oras at panahon para sa edukasyon. Walang makakahadlang sa pag-abot ng karunungan ng maraming mag-aaral. Pananalig sa Maykapal ang sandata ng mga guro. Maging positibo tayo sa lahat ng bagay upang gumaan ang ating mga nararanasan. Tandaan na ang edukasyon ay ang sandata para magtagumpay.


Print   Email