ANG BLOG

Ang pandemyang CORONA Virus 19 (COVID 19), ay totoong nagdala ng samut-saring kaibahan at pagbabago sa buhay ng mga tao sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.  Sa lahat ng larangan ng buhay at paghahanapbuhay kinailangan mag-isip at maglaan ng ibat-ibang estratehiya para malagpasan ang hamon ng pandemya.  Ilan sa mga pagbabagong ito ay kung papaano maipagpatuloy ang edukasyong at pag-aaral ng mga mag-aaral mula sa elementarya, mataas na paaralan, senior high school, kolehiyo, at dalubhasaang pag-aaral, sa Negosyo lalong pumatok ang on-line selling, mga pagpupulong sa lahat ng larangan ay nasa zoom, google meet at sa kung anong platform ang maaaring gamitin ayon sa sitwasyon ng website connection or kakayahan o kalakasan ng internet sa lugar.

            Ang galaw o aktibidades ng mga tao ay nagkaroon ng maraming balakid, ngunit kailangan mabuhay at hindi magmukmok sa isang sulok dahil kailangan pangalagaan ang Mental Health. Walang hanap-buhay ang karamihan ng tao, maraming apektado, nalungkot, nagkasakit at namatay.  Sobrang sakit at pagkalumbay ang idinulot ng pandemya.  Kung mayroon man nawalan ng pag-asa marami din naman ang naging masigasig na makaahon sa lungkot at maging mapanglikha gamit ang sariling kakayahan, sa gitna ng napakabigat at napakahabang pagsubok sa loob ng higit dalawang taon.

            Kahit bago pa ang pandemya marami na ang gumagawa nito nguni’t hindi masyadong pumatok lalo sa mga Pilipino. Sa panahon ng pandemya na walang mapaglilibangan ang mga tao, dito umusbong at lalong napagyaman ang pagbablog. Maraming nagsulputang bloggers na naglilibang na, kumikita pa.

            Ano nga ba ang Blog?

Ang blog ay isang website na nagbibigay-daan sa paglikha at pagpapakalat ng nilalaman, sa karamihan ng mga kaso, sa isang tiyak na paksa at kung saan ang kaalaman at opinyon ay ibinahagi sa isang regular na batayan.

Ang mga blog ay tinatawag ding virtual log o virtual diaries, depende sa layunin na kanilang natupad nang naging popular ang kanilang paggamit.

Ang isa sa mga pinakahusay na tampok nito ay ang paglikha ng mga artikulo (tinatawag ding mga post o post) na ipinapakita sa reverse kronological order (ang pinakahuling lumilitaw muna).

Ang salitang blog ay nagmula sa weblog, isang term na nilikha ng Amerikanong manunulat na si Jorn Barguer noong 1997 upang paikliin ang pariralang "pag- log sa web ".

Nang maglaon, noong 1999, binago ng blogger na si Peter Merholz ang salitang weblog sa pariralang ating blog, at mula noon, ang blog ay ginamit bilang isang pangngalan at isang pandiwa (blog).

Sa parehong taon, lumitaw ang platform ng Blogger, na pinapayagan ang paglikha ng mga online na blog, at kung saan pagkatapos ay humantong sa madalas na paggamit ng mga term na nauugnay sa aktibidad na ito, halimbawa, blog, blogger (blogger), blogosphere at pag-blog (ang aksyon ng pag-update regular na blog).

Ang teknikal na bentahe ng isang blog na may paggalang sa isang web page ay pinapayagan nitong magamit ito ng sinumang gumagamit, nang hindi nangangailangan ng anumang antas ng kaalaman sa programming o disenyo ng web. Teknolihiya at Innovation Kahulugan ng Blog (Ano ito, Konsepto at Kahulugan)- Teknolohiya at Innovation- 2022 (May 2022)

            Sa English mayroon din tayong tinatawag na VLOG kung saan ang history at etymology nito ay Video+Blog na unang lumabas noong 2002. Merriam Webster Dictionary (since 1828).

 

            Maraming kapakinabangan ang pagbablog kung ito ay gagawin mo na hindi lamang libangan bagkus hanapbuhay na rin.  Napakalaki ng sahod na binibigay ng You Tube kung magkakaroon ng maraming viewers ang inyong post. Sa ngayon marami ang mga You Tubers (YT) na hanap-buhay na talaga nila ang pagbablog, datapuwat, marami din ang nagsulputang bloggers na tinatawag din natin mga trolls, mga bayarang bloggers lalo sa panahon ngayon.

            Mahalaga sa atin ang paggamit sa tama sa kung anumang talino at kapasidad mayroon tayo dahil mayroon din tayong tinatawag na “social responsibility.” Bilang isang guro ng Kumunikasyon ako ay sang-ayon sa paggamit o pagbablog ng isang tao dahil ito ay may magandang dulot din sa paghubog ng kakayahan nguni’t dapat alamin lahat ang mga patakaran at kalakaran dito para higit na makapagbigay ng tamang kaalaman o impormasyon sa lahat at higit sa lahat maaari niya itong pakinabangan sa pinansiyal na aspeto.