Sa Panahon ng Pandemya

Pagamautan tila isang palasyo ni kamatayan

Ang mga sakit na pangkaraniwan ay kinatatakutan

Nabalitaan daang-daan patay ang nakalatag

Di-maikubli sa mukha matinding kalungkutan

Tila naglalaho na mabubuting kaugalian

Mamamaya’y pinaglalayo pati kamag-anakan

Yaong simpleng pagmamano, paghawak sa kamay pilit iniiwasan

Alamin sanhi ng kalituhan nang lahat ay mapaghandaan

Kalungkutan, takot, at pangamba dulo nito kabataan

Kaibigang maaasahan sa ati’y sila’y inilayo

Dahil sa kalabang hindi nakikita tila lahat ay naglaho

Dalangin sa Diyos ibalik sa dating ayos.

Napakabilis nang pagbabago, tao’y nabigla dito

Lahat ng kilos naging limitado, social distancing laging pinapayo

Ngunit isa lamang ang naging sandigan ng lahat,

Diyos! Amang makapangyarihan, siya ang tunay na lakas.