Sa bawat unos, bawat bagyo, andyan sila;
Nakikinig, nagtatrabaho, nakamata;
Walang pinapatos kahit pa pandemya;
Makapagbigay lang ng kaalaman sa estudyante nila.
Gigising sa umaga at matutulog halos mag-umaga;
Araw-araw pumapasok sa eskwela;
Kahit Kalusugan ay hindi inaalala;
Sinasakripisyo kahit sariling pahinga.
Gaano man kalayo o kahirap ay kanilang tatahakin;
Kahit nakamamatay na sakit sila’y subukin;
Hindi nila yan aalalahanin;
Magampanan lang nila ang kanilang tungkulin.
Oras sa pamilya, oras ng saya;
kaunting oras na dapat sa sarili ay nakalaan;
Lahat ay kaya nilang talikuran;
Upang estudyante'y lang nila ay may matutunan.
Hindi bilang sa daliri sa kamay o sa paa;
Ang bayaning sa bansa ay nakatalaga;
Pagkat libo-libo milyon-milyon sila;
Mga gurong tanging karunungan ang bala.
Sa kanila nagmula mga propesyunal;
Hinubog ng mga gurong may pagmamalasakit at pagmamahal;
Hinubog upang sa buhay ay maging praktikal;
Sila ang bayaning literal.
Ang mga gurong buong buhay ay handang isakripsyo;
Para sa mga estudyanteng hindi naman nila ka ano;
Sila'y maprinsipyo, handang ibigay buong serbisyo;
Pagkat nasa kanilang kamay ang kinabukasan ng ating mundo.