Kilala ang Bayan ng Orion sakanilang Bakawan Festival at malawak na taniman ng Bakawan na matatagpuan sa Brgy. Wawa Pag-Asa, ngunit ngayon ay mas pinalawak nila at meron naring Mangrove Ecotourism Project sa Brgy. Camachile na hatid ng LGU Orion at Samahan ng Magdaragat ng Camachile o SAMACA INC.
Nakakatuwang isipin na mas napapalago ang mga gantong klase ng proyekto sa kabila ng modernong panahon. Nawa'y magtagal at pangalagaan pa natin ang ating mga nasasakupan.







