mayorandnoel

Orion, Bataan Dahil mismong ang mga pasahero na nag naghahanap ng Ferry Boats na kadalasan ay kanilang sinasakyan upang makarating agad sa Manila para sa kanilang mga importanteng lakad. Ito ngayon ang pinag-uusapan ay pinag-aaralan narin ng mga opisyal dito sa Bataan sa layuning  muling pasiglahin at mapakinabangan ang Port Of Orion.

Ang Port of Orion na ginawang modern sa panahon ni dating Pangulo Gloria M. Arroyo, ay tila di nabigyan ng buong pansin ng pinalitang Administrasyon nitong si Orion Mayor Tony “PEPS” Raymundo kung kaya at paunti-unting nawala ang mga bumibiyaheng mga Ferry Boats dito.

Sayang naman kung nakatengga lang ang Port nila sa Orion wika nitong si Mayor Peps Raymundo na bukod sa tulong ng Ferry Boats sa mga nagmamadaling mga pasahero ay ito rin ang alternatibong sasakyan papuntang Manila sa panahong di madaanan ang mga pangunahing lansangan palabas ng Manila.

Ayon naman ditto kay Bataan Gov. Albert “Abet” Garcia may pag-uusap na sila ni Mayor Peps Raymundo at kanila ngang napagkaisahan na muling pasiglahin ang Port of Orion. Katunayan nga ayon pa sa kanya ay may nakausap na siya hinggil ditto na may-ari ng mga Ferry Boats na mas matulin at maikling oras sa dating 45 minutes na mararating ang Manila.

Naniniwala naman itong si Mayor Raymundo na di maglalaon ay muli nilang mapapakinabangan ang kanilang modernong Port of Orion.

NI: Atoy Galicia

Bataan Defender’s News

October 7-14, 2013

VOL.XI NO.18 pp.3

Search

Bids and Awards

PNPnos2

Go to top