Matagumpay ang ginawang Jobs Fair sa Bayan ng Orion noong nakaraang Augusto 08, 2014 , sa Pag-asa Wawa, Orion ,Bataan. Sa kabuoang bilang na isanglibo at animnaput walong (1,068) aplikante ang nakilahok sa naturang programa.Ang naturang Jobs Fair ay pinamunuan ng Public Employment Service Office ng Orion, sa pamumuno ng head nito na si Ben Ruben L. Cruz, at kanyang mga staff, at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment sa pamumuno ni Ms. Leilani M. Raynoso na siyang Provincial Head ng DOLE dito sa lalawigan ng Bataan. Kaugnay nito kasama rin na dumalo sa programa ang Provincial Public Employment Service Office sa pamumunno ni Mr. Melchor Cui upang umagapay at mag monitor sa nasabing programa.


Ayon sa datus ng DOLE-Bataan representative na si Ms. Melanie Nario na siyang nagmonitor at nanguha ng datus sa mga local agencies may kabuoang humigit kumulang na bilang ay tatlongdaan at tatlongput apat ( 334 ) na aplikante ang awtomatikong nakuha o napili para makapagsimula na sila ng kanilang bagong trabaho.
Kaalinsabay nito lubos ang pasasalamat ng Bayan ng Orion sa pamumuno ng aming masipag at butihing Mayor Antonio L. Raymundo Jr. sa lahat ng local at ovearseas agencies, sa mga taong tumulong at nakilahok para sa katagumpayan ng nasabing JOBS FAIR.
Kaugnay nito kasama rin sa nasabing programa ang mga PESO-Managers ng ibat-ibang mga Municipality sa lalawigan ng Bataan upang tumulong at makibahagi sa programa.


Gayon din lumahok ang ilang mga ahensya ng ating gobyerno katulad ng Social Security System(SSS), Phil-Health Insurance, Philippine Overseas Employment Administration (POEA), at Technical Education Skills Development Authority,bilang pagsuporta at maipaliwanag na rin ang kabutihan at kahalagahan ng kanikanilang ahensya sa mga aplikante at kasabay noon upang sila ay mapag serbisyuhan sa araw na iyon.
Lubos lubos ang aming pasasalamat sa mga sponsors, mga taong nagbigay ng kanilang panahon at tulong upang maisakatuparan ang importante at makabuluhang programa.


At higit sa lahat maraming salamat sa ating Panginoong Diyos na umalalay,gumabay at nagbigay ng magandang panahon ng araw na iyon ,dahil siya ang nagbigay ng malaking dahilan upang maging matagaumpay ang JOBS FAIR 2014 sa bayan ng ORION.

 

 

Search

Bids and Awards

PNPnos2

Go to top