Augusto 08,2014, sa Pag-asa Wawa ng Bayan ng Orion  ginanap ng alas dos ng hapon sa nasabing araw ang masaya at makabuluhang  pagtatapos  na mga mag-aaral  na kumuha ng Shielded Metal Arc Welding (NCII) dito sa bayan ng Orion.

Ang bilang ng mga estudyante na nagsipagtapos ay may kabuoang bilang na dalawang daan at pitongput apat( 274) na nagsipagtapos sa nasabing kurso.

Sa ngayon ,kaugnay nito ang mga barangay na  nabenipisyohan ng programa na ito ay ang mga sumusunod:

  • Barangay Daan Pare – 66 na nagsipagtapos
  • Barangay Lusungan  _  40 na nagsipagtapos
  • Barangay Balut           _  42 na nagsipagtapos
  • Barangay Capunitan _  66 na nagsipagtapos
  • Barangay Sabatan      _  59 na nagsipagtapos

Kaalinsabay nito ang bawat estudyanteng nagsipagtapos ay nakatanggap ng Certificate of Completion na ipinagkaloob ng Unitech Skills Institute sa pamumuno ni Ms. Gemalyn R. Sabino, Presidente ng training school na siyang nagbigay ng  pa-training  at katuwang ng bayan ng Orion upang maisakatuparan ang naturang programa.

Ang libreng training na ito na naipagkaloob sa mga estudyante na nagsipagtapos na siyang tanging layunin ng ating masipag at hindi matatawarang Mayor Antonio L. Raymundo Jr. sa pagbibigay ng tulong sa kanyang kababayan dito sa bayan ng Orion, sa pagbibigay ng libreng skill training upang maiangat ang kanilang kaalaman sa makabagong panahon.

Ang Technical Education  and Skills Development Authoriy(TESDA) ang pangunahing ahensya  ng ating gobyerno ay kaagapay, kabalikat at katuwang  upang maisakatuparan ang programa sa pamumuno ni Ms. Grace Corazon C. Castillo ang  OIC/TESDA Director Provincial ditto sa lalawigan ng Bataan ay kasama rin sa nasabing okasyon.

Kinikilala ng bayan ng Orion ang didikasyon ng mga tayong tumulong at sumuporta sa nasabing programa ay ang mga sumsusunod:

vKapitana Luzviminda Anza- ng Barangay Daan Pare.

vKapitana Nida D. Lopez        - ng Barangay Sabatan

vKagawad Rafael Adriano      - ng Barangay Lusungan

vKagawad Rolando Estrella   - ng Barangay Balut

vKagawad Virginia Cruz          - ng Barangay Capunitan

Kaalinsabay nito isang hamon ang tinuran ng ating  butihing  Punong Bayan na si Kgg. Antonio L. Raymundo Jr. ng hapon na iyon para sa nagsipagtapos,na gamitin at pag ibayuhin  ang mga kaalaman na natamo o nakuha  sa kanilang pag-aaral upang sa dulo nito ay makamit ninyo at makatulong nawa ito para sa paghahanap ng mahusay at magandang trabaho ng sa gayon maging maginhawa ang inyong mga buhay.

Sa lahat ng mga nagsipagtapos, mabuhay kayong lahat at congratulations!!!

 

Search

Bids and Awards

PNPnos2

Go to top