“Dugo mo, Buhay ko tumulong magsalba ng Buhay” ay isang panawagan , kampanya at proyekto ng Bayan ng Orion sa pamumuno ni Mayor Antonio L. Raymundo Jr. upang makatulong at makasagit ng buhay.Sapagkat ang buhay ay mahalaga kaya dapat nating itong pangalagaan.

Kailansabay sa kaarawan ng Punong Bayan ng Orion na si Antonio L. Raymumdo Jr. noong ika walo ng Agosto, ng taong kasalukuyan sa ganap ng alas otso ng umaga sinimulan ang isang programa na Donasyong Dugo – Dugtong Buhay at ito ay  natapos ng alas singko ng hapon. Nag silbing lugar ang TESDA Building sa Sitio Pag-asa  Barangay Wawa ng bayan  Orion upang pagdausan ng nasabing programa.

Kaalinsabay nito ang pangunahin at tanging layunin nito ay makatulong sa ating mga kababayan na  nangangailangan ng dugo sa oras ng pangangailangan. Ang Blood Letting ay pinangungunahan  ng Red Cross sa pamumuno ni  Ms.  Joy Francis Bantog at ang kaniyang mga kasama.

Kasama rin sa nasabing programa ang mga kawani ng ating Rural Health Unit ng Orion na pinamumunuan ni Dra. Corazon Cruz Municipal Head ng Health Center at kanyang mga kasama.

Ayon sa datus ng Red Cross may pitumpot dalawa (72) ang nakapagbigay ng dugo sa araw na iyon at  ayon sa mga nagbigay ng dugo bilang pakikiisa sa bayan ng Orion ay nagsilbi nila itong regalo n sa ating butihing  Punong   Bayan ng Orion na si Kgg. Antonio L. Raymundo Jr.

Kaugnay nito lubos-lubos ang pasasalamat ng ating  Mayor Antonio L. Raymundo Jr. sa mga taong nagbigay ng kanilang dugo at sa lahat ng nakibahagi sa  Donasyong Dugo-Dugtong Buhay Project ng Bayan ng Orion.

 

Search

Bids and Awards

PNPnos2

Go to top