ASSESSMENT DAY - Copy

Sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  sa pamumuno ni Ms. Grace Corazon C. Castillo ang Provincial Director-TEDSA-Bataan at ng Bayan ng Orion sa pamumuno ng ating butihing Mayor Antonio L. Raymundo Jr. at sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office ng Orion sa pamumuno ni Mr.Ben Ruben L. Cruz at kanyang mga kasama.

            Kahapon Nobyembre 05, 2014, matagumpay at masayang  natapos ang nagsipag training ng Massage Therapy dito sa bayan ng Orion. Ginanap ang kanilang assessment sa 3rd Floor Conference Building ng Orion Municipal Hall ng naturang bayan.Kaugnay nito dalawangput walo(28) sa mag-aaral sa naturang kurso ng ibat –ibang barangay ng bayan ng Orion  ay matagumpay na nakapasa sa araw na iyon.

            Ayon sa kanilang assessor na Si Ms. Jhoanne S. Hernandez ng Eastwood Professional College of Science and Technology maayos at mahuhusay ang mga mag aaral ng nasabing kurso at pwede na nilang magamit ito at makatulong sa kanilang pamumuhay.Kung kaya isang daang porseinto sa mga nagsipag-aral ay nakapasa sa ginanap na asseessment sa pang huling panananlita ni Ms. Hernandez.

            Kaalinsabay nito,ang bawat mag-aaral na nakapasa sa assessment ay pag kakalooban ng Certificate of Training na manggagaling sa TESDA,Balanga at National Certificate NC na ipagkakaloob sa mga mag-aaral.

            Kaugnay nito; magkakaroon ng isang maliit na programa para sa kanilang  Pagtatapos at magaganap po iyan sa mga susunod na mga araw na kong saan itatakda ng TESDA Balanga at PESO-Orion. Sa araw na iyon sabay sabay na ipagkakaloob ang naturang certificate at starter kit na magagamit nila upang makapagsimula na sila sa kanilang napiling kasanayan at maiingat ang istado ng kanilang pamumuhay.

            Nasaksihan po namin ang lubos na kasiyahan sa kanilang mga mukha ng mga mag-aaral ng hapon na iyon at silang lahat ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong upang maisakatuparan ang makabuluhan at kapakipakinabang na programa na katulad nito.

            At kaugnay nito; nais pong iparating ng mga mag-aaral ang lubos na pasasasalamat sa Ama ng Bayan ng Orion na walang iba kundi na si Hon. Antonio L. Raymundo Jr. sa kanyang kabutihan at walang sawang pagsuporta sa mga programa na makakatulong sa pagbibigay ng kasanayan sa Bayan ng Orion. Mabuhay po kayo Mayor.

            At higit sa lahat nagpapasalamat po ang PESO-Orion sa lahat ng mga taong nakibahagi at tumulong sa nasabing programa, mabuhay po kayong lahat.

TO GOD BE THE GLORY….

 

Search

Bids and Awards

PNPnos2

Go to top