Sa dulo ng taon
Magsasara ang telon
Mga ala-alang nabuo sa silid-aralan
Ating balikan
Sa dulo ng taon
Ating pasalamatan
Masasayang tawanan
Malalim na pagkakaibigan
Sa dulo ng taon
Ating gunitain
Mga mahahalagang aral
Gabay tungo sa mabuting asal
Sa dulo ng taon
Ating salubungin
Panibagong pagkakataon
Wag nating sayangin
Sa dulo ng taon
Magpatuloy ka
Pasalamatan ang nakaraan
Haraping ang bagong kabanata.