“SAPAGKAT, iniharap sa pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Bayan ng Orion, Bataan, ang Kapasiyahan Blg. 15 s. 1985ng Sangguniang Barangay ng Daan Pare, ng bayang ding ito, noong Marso 2, 1985;

                “SAPAGKAT, nasasaad sa naturang Kapasiyahan na ang mga lupang publiko o sabang sa Sitio Aliok ay inilalaan sa mga mahihirap na mamamayan at marami na rin ang nakapagtayo ng kanilang bahay sa lupang naipamahagi na sa mga tao simula pa noong 1980;

                “SAPAGKAT, batay din sa nasabing Kapasiyahn, may mga lupa sa Sitio Aliok na ipamahagi na sa mga inaakalang mahirap at walang sariling lupa subalit marami doon ang hindi pa natatayuan ng bahay at karamihan ay ipinagbili pa sa iba kung kaya’t napagkayarian ng Sangguniang Barangay ng Daan Pare na bawiin na sa dating may-ari ang mga lupang ipinagkaloob sa kanila ngunit hindi pa natatayuan ng bahay simula noong taong 1981 at ang mga lupang ito ay ipagkaloob na lamang doon sa higit na nangangailangan ng lupang mapagtatayuan ng kanilang bahay;

                “SAPAGKAT, hinihiling din ng Sangguniang Barangay ng Daan Pare, ayon sa Kapasiyahan Blg. 15, na magtalaga ng isang Kagawad ng sangguniang Bayan upang siyang tutulong sa mga mamamayan sa pagsasaayos ng mga lupang publiko sa Sitio Aliok upang maiwasan ang kaguluhan na maaaring mangyari;

Download Documents

By:

Website | + posts