Masdan mo ang ganda ng kapaligiran

Likha ng Dios sa atin inilaaan

Sa pagmamahal niyang di matatawaran

Mapalad yaring taong naging dahilan

Sa lahat ng nilikha diyatat tayo’y espesyal

Inihulma ang hugis kaparis ng Maykapal

Nagpasyang gawin ang bagay na parang sugal

Natupad ang lahat dahil sa wagas na pagmamahal

Pagmamahal na dakila ang siyang dahilan

Hinugis ang paligid para sa ating kapakanan

Parang isang paraiso hangad ng tanan

Ginhawa ang dulot sa araw araw na kalagayan

Subalit ano ang ginawa mo, ikaw na hangal

Hindi mo pinahalagahan kanyang pagmamahal

Ganda ng mundong inialay ay di nagtagal

Ganti ng kalikasan  ramdam nating sumasakal

May magagawa pa kung ating pagtitiyagaan

Kung ating paiiralin ang mabuting kalooban

Hawak bisig tayong baguhin ang kapalaran

Pananalig sa Lumikha ang itatak sa isipan.

Ana Liza S. Torio | Teacher I | Olongapo City National High School
+ posts