Namumukod tangi ang lahing Pilipino. Ito ay isang katotohanang dapat ipagmalaki ng bawat mamamayang isinilang at lumaki sa Pilipinas. Taglay ng bawat Pilipino ang mga katangiang nagpapakilala sa kanya ng lahing kanyang pinagmulan. Kahit saang rehiyon siya nanggaling, hindi maitatatwang Pilipino siya sa puso at diwa.
Maraming bagay ang nagpapakilala sa atin bilang Pilipino. Mga bagay na sa atin lamang matatagpuan, na siyang dahilan kung bakit tayo’y natatanging lahi. Ang mga katangiang pisikal, kaugalian at tradisyon at ang pag-uugnayan nating mga Pilipino ang nagpapatanyag sa atin.
Sa pagkakaroon ng humigit-kumulang sa 7,100 pulo ng Pilipinas, na nahahati sa maraming rehiyon, mahalagang bahagi ang ginagampanan ng isang wikang pambansa sa pag-uugnayan ng milyon milyong mamamayan. Nasa matagumpay na pag-uugnayan ito ang ikatatahimik at ikauunlad ng ating bansa.

By: REGINA F. BAGTAS | Teacher III | Daan Pare Elementary School | Orion, Bataan

Website | + posts