Sinasabing ang edukasyon ay isang kayamanan. Ang isang guro ay may malaking pananagutan na naksalalay dito ang kanyang batang tinuturuan. Nasa kamay ng mga guro ang kanilang magandang kinabukasan. Ang kalidad ng pagtuturo ang magiging sandigan upang ang pagkatuto ng mga bata ay maging ganap na mabisa at mabunga. upang maging epekto ang pagtuturo ng isang guro kailangan ng ibat-ibang pamamaraan at mga kagamitan na angkop sa pagtuturo ng mga bawat paksang aralin. Ito ay isang malikhaing gawain upang ang mag-aaral ay magising at magkaroon ng interes sa lahat ng ipinagagawa ng guro. Ang kasiglahan sa pagtuturo at pagiging handa sa ibat-ibang kasanayan ay magiging epektibo sa gawaing makapagdudulot ng ibayonginspirasyon sa kanyang mag-aaral. Sa makatuwid, ang Mahusay na guro ay nagtataglay ng mabuting pag-uugali, may pagmamahal at pagamamalasakit sa mga mag-aaral, tapat sa tungkulin at pagka malikhain sa pagtuturo. At higit sa lahat may misyon na paglingkuran at turuan ang mga kabataang mag-aaral na siyang pag-asa sa pag-unlad ng bayan at bansa sa darating na panahon. Ikaw, isa ka ba sa mahuhusay na guro?
By: Catherine Vasquez | Teacher III | Pablo Roman Elementary School | Orion, Bataan