Noong ika-10 ng Pebrero, 2023, ang Cataning Integrated School Family ay nagsagawa ng Sportsfest bilang culminating activity pagkatapos ng apat na araw ng In-Service Training (INSET) ng mga guro. Ang training ay isinagawa habang health break ng mga mag-aaral at ang Sportsfest ay nagsilbing paraan upang makapagpahinga at marelaks ang isip, at katawan ng mga guro matapos ang kanilang mga mahihirap na gawain. Lumahok din ang mga Non-Teaching Staff sa mga laro. Sa finals o championship, naglaban ang Yellow Team at Green Team.

Pinangunahan ang programa ng Principal na si Gng. Lisa G. Austria at Assistant Principal na si G. Randy N. Tallorin, kasama ang mga DepEd Administrative Assistant (ADAS) at mga utility staff.

Ang aktibidad ay nagsimula sa “Parade of Colors” na nilahukan ng Purple Team, Red Team, Yellow Team, at Green Team. Pagkatapos ng parada, isinagawa ang kompetisyon para sa Best Muse at Best Yell/Cheer. Pinagpawisan ang mga muse ng bawat team dahil sa mga mahihirap na tanong mula kay Master Teacher I, Gng. Rosita B. Forbes. Nosebleed ang mga kalahok dahil kinakailangan nilang sumagot ng Ingles sa Q&A portion. Hiyawan ang mga manonood habang sumasagot ang mga kalahok, at lahat ay sabik na marinig ang mga sagot ng bawat isa.

Pagkatapos ng mga paunang aktibidad, sinimulan ang Sportsfest proper. Ang lahat ng manlalaro ay nag-warm up muna bago simulan ang volleyball. Narito ang mga resulta ng mga aktibidad sa Sportsfest: Best in Muse ay ang Blue Team, Best in Yell/Cheer ay ang Green Team, at ang Champion sa volleyball ay ang Yellow Team.

Kahit pagod, lahat ay nag-enjoy sa nasabing Sportsfest. Ang mga guro ay narecharge ang isip at katawan, at nagkaroon muli ng sigla at lakas para sa kanilang muling pagtuturo.

Alice T. Mapanao/Teacher II/ Cataning Integrated School
+ posts