Masisisi ba natin kung ang isang tao ay walang pinag-aralan? Dapat ba tayong humusga sa ating kapwa kung siya ay pinagkaitan ng kalaaman at katalinuhan? Maaaring di sila nakapag-aral dahil sa isang kadahilanan. Ating alamin ang posibleng dahilan.

Kahirapan, mula sa saling hirap, nangangahulugan ding pasakit, paghihikahos, at walang-wala sa buhay. Posibleng ito ang mga dahilan kung bakit ang isang tao ay hindi nakapag-aral. Dahil sa kahirapan ng buhay imbis na makapag-aral ay namamasukan na lamang upang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan. Husto na sa kanila ang makatapos ng elementarya at sekundarya upang makapaghanap ng mapapsukan. Subalit, ang kanila bang kaalaman ay nakkasasapat upang maitaguyod ang kanilang pamumuhay?

Sa tuwing maglalakd tayo sa kalsada ay makakaita tayo ng mga nag-uumpukang  grupo ng mga lalaki o mga babae na kung tawagin ay tambay. Sila ay maaaring hindi na nag-aaral dulot ng kanilang kahirapan. Wala naman silang mapapasukang magandang  trabaho  dahil sa kakulangan ng kaalaman at edukasyon. Kung kaya’t sila ay tila ba nag-aabang na lamang ng kung ano ang ibigay sa kanila ng kapalaran.

Hindi balakid ang kahirapan kung talagang ang isang tao ay pursigidong makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Makakagawa siya ng  paraan para dito. Kung talagang may determinasyon anng isang taona makapagtapos ng pag-aaral ay isasaisang-tabi niya ang kahirapan.

Madami ding mahirap ngunit naging matagumpay sa kanilang buhay. Kung ang bawat isa ay may ambisyon, hindi ang kakulangan sa buhay o kahirapan ang balakid tungo sa maayos na pamumuhay at magandang hinaharap.

By: Celia D. Tecson | Teacher I | Pablo Roman National High School | Pilar, Bataan

Website | + posts