Edukasyon.  Ito ang tanging yamang hindi mawawala sa atin at habang buhay nating mapanghahawakan.  Dito sa ating bansa, malaki ang pagpapahalagang ibinibigay ng mga Pilipino  sa edukasyon.  Maraming kilalang unibersidad dito sa Pilipinas at pagdating sa pagbibigay ng pinakamataas at pinakamagandang kalidad ng edukasyon ay hindi ito nagkukulang.Hindi makakailang kilala ang mga Pilipino sa loob at labas ng bansa dahil sa mga angking kakayahan.  Maraming mga Pilipino ang bantog  sa ibat’ ibang  larangan.  Samantala di lamang ito sa kanilang mga talento kundi dahil na rin sa kanilang propesyon.  Kaya naman nagkaroon ang mga paaralan ng mga espesyal na kurikulum upang lalong mapataas ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral.  Tulad na lamang ng Special Science Class, Special Program in Sports, Special Program in Journalism atbp. Hinahasa ang kaalaman  ng mga mag-aaral upang mas maging epektibo sa talento na mayroon sila.Sa tulong mga gurong nagbigay ng oras upang dumaan sa mga pagsasanay at muling pag-aaral  naibabahagi nila ang kanilang natutunan sa kanilang mga mag-aaral.  Sila ang nagsisilbing inspirasyon at gabay ng mga mag-aaral na gumagawa pa lamang ng sariling pangalan at pagkakakilanlan. Kailangan lamang ang bukas na kaisipan, sipag at tiyaga ng mga mag-aaral dahil tiyak  abot-kamay na nila ang minimithing tagumpay.#

By: Rowena A. Delfin | Teacher III | Mariveles National High Scholol, Poblacion | Mariveles, Bataan

Website | + posts