Maituturing na mahalaga ang edukasyon sapagkat dito nasusukat ang mga karunungan ng isang tao gayundin ang kaalaman. Sa panahon ngayon lamang , kung wala kang muang sa mundong ito ay hindi mo malalaman ang lahat ng kaganapan sa mundo. Edukasyon din ang sinusukat kapag kumukuha ka ng isang trabaho , kung kaya’t mahihinuha natin na ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay sa buong katauhan natin.

 

Sa buhay na lamang ng isang mag-aaral, ang edukasyon ay napakahalaga, pagkat dito naipakikita ang lahat ng kaalaman at malayang naipapahayag ang gustong iparating sa kapwa. Kapag edukado ka ay naikikita ito sa iyong pag uugali.Di lamang katalinuhan ang pinaiiral kapag edukadong tao ka kundi pati na rin kung paano ka makisalamuha sa kapwa mo, kung paano mo pakitunguhan ang iyong kapwa, at kung paano mo siya  igalang .

 

Maihahalintulad din ang edukasyon sa kayamanan pagkat hinding-hindi ito nananakaw nino man. Kahit mawala ka sa mundong ito dala-dala mo pa rin ang iyong mga nalalaman. Edukasyon din ang magiging susi natin sa ating magandang kinabukasan. Kapag nakatapos ka ng kolehiyo at nakapasa ka sa “ board exam” madali kang magkakaroon ng trabaho at pag-aagawan ka pa ng ibang kumpanyang maari mong pasukan. Kaya napakahalaga ng edukasyon dahil ito ang magiging gabay natin para sa ikatatagumpay ng ating kinabukasan.

By: Nenita J. Tan | Teacher I | Pablo Roman National High School | Pilar, Bataan

Website | + posts