Ang pakikibaka ngbawat mag-aaral sa loob ng paaralan ay maituturing na isang kalamidad na kungsaan ay pangarap ang kanilang puhunan at tagumpay ay nakaabang. Ngunit paano kung subukin ka ng panahon na magpagapang sayo sa matinding kahirapan, Magpapatuloy ka pa ba?
Taong 2019 nang pumasok ang katakot-takot na pandaigdigang pandemya o ang tinatawag na Covid-19 Pandemic. Kalamidad na mas nagpahirap sa sangkatauhan. Karamdaman na kumikitil ng buhay. Naglimita sa bawat galaw ng tao, maraming sikmurang kumalam, naging dahilan pagbaba ng Ekonomiya at ang ilan pa’y nawalan ng mahal sa buhay. Sa patuloy na pagkalat ng Corona Virus Disease sa bansa ay lubhang naapektohan ang mga mag-aaral, mga batang may pangarap at tunay na nagpapagal sa pag-aaral.
Masasabi na ang pagpasok sa eskwelahan ay nagsisilbing hakbang upang makamit ang kanilang mithiin ngunit dahil sa Pandemya. Tila tumigil ang mundo at nahadlangan ang munting na ito. Ukol dito, mabilis na umaksyon ang ating gobyerno at nagkaroon ng learning modality na modular at online learning system sa lahat ng antas. Naging instrumento upang matulungan ang bawat bata na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral. Gamit ang makabagong teknolohiya at mekanismo mas napadaling solusyonan ito at unti-unting nahalaw ang mga mag-aaral sa ganitong sistema kasabay nito ay ang katagumpayan ng bawat kabataan na nakibaka sa gitna ng pandemya patungo sa kanilang mga pangarap.