“Kapitkamay tungo sa makatotohanang pagpapabatid ng mga impormasyon.”
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang paglaganap sa social media ng mga maling impormasyon.Ang bawat isa sa atin ay dapat na maging mapanuri upang hindi mapahamak sa mga nababasa,nakikita at naririnig na mga balita.Isa sa makatutulong sa paggabay ay ang mga magulang,dapat na paalalahanan tungkol sa paglaganap ng “fake news sa social media.” Malaki din ang gagampanan ng mga guro upang maitama ang mga maling impormasyon.Dahil sa mga impormasyong ito buong akala ng ilang mag-aaral at ang mga nakakarinig na totoo ang nabasa o naririnig nilang mga impormasyon. Sa puntong ito maaari nang gumawa ng aksyon ang mga magulang,nakatatanda, at mga guro upang ipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkilatis,pagsuri, at pag-unawa sa kanilang mga naririnig at napapanood.Ipaliwanag din sa kanila na kailangang maging maingat sa pagbibigay ng mga impormasyong ibabahagi sa iba.Paalala, alamin ang pinaggalingang impormasyon bago ito ibahagi sa iba.Makatutulong ding magsaliksik muna bago paniwalaan ang mga impormasyon.Lalo noong panahon ng pademya, ang daming kumakalat na mga maling impormasyon.Paalalahanan muli natin at gabayan na salisikin kung saan nagmula ang mga nakalap na detalye.Ang ilan pa sa itinuturong paraan upang maiwasan ang paglaganap ng “fake news” ay iwasang magpadala sa emosyon nabasa o napakinggang balita o impormasyon. Ang palasak nating naririnig sa wikang Ingles na “Think before you Click”, ay nagpapatunay lamang na dapat pag-isipang mabuti bago mo ito pindutin at ibahagi sa iba.Kung sakaling nakabasa ng mali, maaaring itama mo ito sa paanong paraan,huwag mo na itong ikalat pa o ibahagi sa iba.Laging siguraduhin ang kredibilidad ng iyong source o pinanggalingan ng iyong impormasyon.
Ang bawat isa sa atin ay magiging responsable kung lahat tayo ay magkakaisa na huwag na ikalat pa ang mga maling impormasyon.Maging responsable sa lahat ng oras, lagi nating isaisip na mayroong masamang bunga ang fake news.
Laging tandaan na magtiwala sa mapagkakatiwalaang source tulad ng anunsyo mula sa gobyerno,balita mula sa mga media network(TV, diyaryo, at online) at mga sangay gaya ng WHO at “government agency.”