Sinasabing Kabataan ang pag-asa ng bayan ayon sa ating pambansang bayani si Dr. Jose P. Rizal. Guro ang siyang humuhulma’t humuhubog sa mga talento ng bawat mag-aaral.
Guro at mag-aaral ang bumubuo upang magkaroon ng isang paaralan , mga guro ang tumatayong pangalawang magulang ng mga etudyante. Ang paaralan ang pandayan ng kaalaman, ito rin ang institusyong kung saan maraming kaalaman ang natutunan ng bawat mag-aaral. Maliban sa aklat at iba pang pinagkukunan ng kalaman ang mga guro ang instrumentong naghuhulma sa kakayahan at talento ng mag-aaral. Guro ang naghahanda sa kabataan upang maging matibay at matatag sa anumang balakid na kanilang haharapin sa pagpalaot upang makamit ang minimithing pangarap. Kung kaya sa paaralan hinahasa ang kanilang mga kakayahan para maging isang produktibong indibidwal, hindi kabataang magiging pabigat at pasanin laman ng ating lipunan.
Sa pagdaan ng mga taon marami ng kabataan ang napapabilang sa mga kilalang tao sa lipuna hindi lang sa ating bansa maging sa buong mundo. Ito’y dahil sa mga dedikasyong inialay ng ating mga guro sa kabataan upang sila’y magtagumpay at makamit ang rurok na kanilang pangarap. Bagkos ito ay pagtupad nila sa tinuran ng ating pambansang bayani.
By: Joey R. Cabrera | Teacher I | Pagalanggang National High School | Dinalupihan, Bataan