GURO, ano ka nga ba? Sabi ng iba mag-aral ka at guro na LANG kuhanin mo. Bakit panay na lang sinasabi LANG na para bang ito ay isang hamak na propesyon o kursong dapat pag-aralan. Bakit madalas ito ay kanilang ipinagkakamali? Marami ang nagsasabi na ito ay madaling kurso o propesyon. Na para bang napakasimpleng gawin. Mali, sapagkat ang pagiging guro ay DAKILANG PROPESYON na nangangailangan ng higit at mahabang panahon at oras.
Di ba nila alam na kahit na may sakit at personal na mga dalahin at problema sa buhay ay patuloy na nagtuturo at pumapanday ng mga musmos at batang kaisipan ng mga mag-aaral upang umunlad, mahasa at maragdagan ang kanilang mga kaalaman. Ng dahil sa mga guro, tayo ay nagkakaroon ng mga inhinyero, abogado, doctor, narses at kung anu-ano pang mga kurso.
Dapat tayong magmalaki at taas noong ipahayag at ipakita na IKAW ay isang GURO! Na kung wala ang mga ito na siyang gumagabay, nagpapala at humahasa ng
kaalaman ay di makakamtan ng sinuman sa nais nilang tahakin na landas. KAYA’T ATING IPAGMALAKI NA TAYO AY ISANG GURO
By: IRIC R. GERALDEZ | Master Teacher-I | Sampaloc Elementary School | Morong, Bataan