Dakila ka guro, ang siyang laging turan sa mga ulirang ilaw at haligi ng silid-aralan. Pinanghahawakan ang kapangakuan na ang pagsisilbi sa panlahat na pag-unlad ng mga mag-aaral ang syang dapat isakatuparan.

Sa patuloy na pagbabago at pag-unlad ng lipunan. Nasan na ba ang kadakilaan ng gurong ating hinahangaan. Hamon sa kanilang paninindigan ay ang ilang katunggali sa atensyon ng mga mag-aaral na kanilang pinaglilingkuran. Andiyan na si Dota, FB, Twitter, Instagram, Textmates atbp. na nakakaabala sa pagkatuto at paghubog ng isipin na inaatang sa mga gurong huwaran ang panininidigan sa tungkuling sinumpaan.

Idagdag pa ang ilang paaralang napag-iwanan na nang kaunlaran, sila chalk at blackboard parin ang katuwang samantalang ang ilan ay makabagong Audio Visual na kagamitan na ang kaagapay sa paglinang ng kaalaman. At ang mga animoy mala-sardinas na paaralan na kung saan ang mga mag-aaral ay nagsisiksikan.

Isama pa rito ang pagbabago sa kultura, ugali at asal ng mga mag-aaral na maaring bunga ng kapaligiran at ng mga makabagong kasangakapan at kagamitan.

Maraming hamon ang dapat tugunan ng mga guro na ang katagumpayan ay masusukat hindi lamang sa taas ng marka ng mga mag-aaral bagkus sa pagbuo ng mag-aaral na handang hamunin ang sarili sa pagharap sa mundo paglabas sa paaralan.

Dakila pa rin ang mga guro, huwaran at dapat na ipagbunyi ang kahusayan dahil ganap ang kanilang propesyon at ang bawat produkto nila ay malaking tulong sa pagtaas at pag-unlad ng ating nasyon.

By: Elvis Trinidad Malang | Teacher II | Pablo Roman National High School | Pilar, Bataan

Website | + posts