Sa makabagong  henerasyon marami na din ang lumilitaw na paraan ng pagtuturo para makasabay  sa pagbabago. Hangarin lamang ng mga magulang sa kanilang anak ay matuto at makataposng pag aaral. Sa tuwing papasok ang mga mag-aaral kampante ang mga magulang na may bagong  kaalaman na maiuuwi ang mga bata. Isang uri ng estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ay ang paraan na estudyante ang maglalahad ng mga ideya upang matagumpay na matuklas ang aralin o student centered learning, samantalasa unang panahon ay ginagamit na stratehiya ay guro ang siyang maglalahad ng mga ideya tungo sa pagtuklas ng aralin.

 

 Kasabay ng pagbabago ng henerasyon ay may epekto bang mga estratehiya para mas matuto ang mga mag aaral? Samanatalang may ibat ibang libel ng kaalaman ang bawat bata o ang abilidad ng bawat bata ay nakadepende sa kung anong paraan sila matututo na nakaayon din sa kanilang interes. Sapat ba ang estratehiya? Gayong may limitasyonang bawat kakayahan ng mag aaral kung paano makasasabay sa aralin. Dapat bang isalang alang ang kanilang interes at ilebel din ang stratehiya upang makasunod ang lahat?

 

Malalaman lamang kung natututo ang isang mag-aaral kung may naitatanim sa kanilang isip, dahil kung mabilis lamang mawaglit sa kanila, hindi epektibo ang estratehiya. Kailangan ilebel ng guro ang paraan ng pagtuturo sa kapasidad ng bata. Sa kahit anong estratehiya pa ang gagamitin ang mahalaga may natutunan ang bata, isaalang-alang din ang pagkakaiba-iba ng mga ito upang maintindihan at malaman kung ano ba ang paraan na gagamitin ng sa gayon ay makasunod sa mga aralin gayong ang mga guro ng siyang tagapamanihala sa loob ng silid aralan?

Erick F. Capistrano Teacher I – Tapinac Senior High School
+ posts