Kadalasan, ang mga gawain ng tao ang nagiging sanhi ng pagkasira ng ating kalikasan. Isa sa mga ito ay ang pagtatapon ng mga basura sa ilog, lawa at dagat, na nagiging dahilan upang magkaroon ng “Water Pollution”. Ang masamang epekto nito ay ang pagkamatay at pagkasira ng ating yamang tubig, na tulad ng isda, corales, sea weeds at iba pa. At ito rin ang nagiging dahilan upang lumiit ang kitan ng mga mamamayan na sa pangingisda umaasa. Upang masulusyunan ang ganitong problema at makatulong na rin kahit sa maliit na paraan ay nagsasagawa ang Science Club Members ng Mababang Paaralan ng Bantan sa pamumuno ng kanilang Science Adviser na si Bb. Erlinda B. Navarro ng “Sinop Kalat, Sagip Dagat”, noong sabado, ika-20 ng Setyembre 2008 sa Villa Abong, Bantan. Ang BSP, GSP, Lakas ng Kabataan at mga kagawad ng Bantan ay nakiisa upang maging matagumpay ang kanilang ginawa.
By: Erlinda B. Navarro, BSP/Science School Teacher