Kahirapan o kawalan ng kaalaman?Maraming nagiging dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng populasyon  ng mga walang pinag-aralan sa ating bansa. Na nagreresulta sa dumaraming tambay o pakainin lamang.Nariyan naman ang mga nagkalat na mga bata sa kalye na kahit ilang beses na ngang dinadampot ng mga taga DSWD upang alagaan at turuan ay gumagawa pa rin  ng paraan upang bumalik sa kinagawian. Ang programa ng DepEd na “Education For All”    na libreng edukasyon ang  makakatulong upang ang mga kababayan natin ay makapagtapos ng pag-aaral sa ilalim ng bagong programa na Kto12.    Mayroon ring ALS o Alternative Learning School para sa mga di nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi rin pahuhuli ang TESDA na nagsasanay sa mga mag-aral na maging “Skilled” sa napiling kurso. Isang magandang trabaho ang naghihintay ditto o sa ibang bansa man. Marahil, kahit na anong programa ng pamahalaan ang ipatupad ay hindi rin magtatagumpay kung tao mismo ang aayaw sa makabuluhang programa na ito.  Hindi laging kahirapan ang dapat sisihin sa mga nangyayaring ito sa ilan nating kababayan.  Kundi ang kawalan ng kaalaman at walang interes sa mga programa ng ating pamahalaan.  Panahon na Juan Dela Cruz upang harapin ang mapanghamong lipunan….kilos na habang may panahon pa.#

By: Rowena A. Delfin | Teacher III | Mariveles National High Scholol, Poblacion | Mariveles, Bataan

Website | + posts