Mula sa pagsulong at matinding pananaliksik na ginawa ng gobyerno upang mapatupad ang Kto12 Basic Education Program, ikalawang taon na ngayon mula nang isinulong ito sa mga paaralang pampubliko at maging pampribadong paaralan sa buong bansa . Kapansin-pansin ang mga pagbabagong idinulot nito sa kasalukayang sistema ng edukasyon. Mula sa ibat’ibang estratehiya, mga kagamitan at mga lumang leksyon ng dating pamamaraan, ay nagkaroon na ng pagbabago kung saan maaari itong maging susi sa pagbabagong nais kamtin ng bansa. Samantala, ano-ano pa ang mga kailangang paghandaan ng ating mga paaralan, mga magulang at mag-aaral sa nasabing programa?Sa isang banda, patuloy ang pagkakaroon ng libreng mass training para sa mga guro upang maging handa sa mga makabagong paraan ng pagtuturo. Ang palalathala ng mga gagamiting “lesson plan”. Nasa guro na rin ang paraan kung paano niya magagawa ang mga kagamitan sa pagtuturo. Sinasabing magiging epektibo ang sistemang ito kung pahahalagahan at isasabuhay ito ng mga mag-aaral sa tulong ng kanilang mga mga magulang. Kailangang tingnan ito ng mga mag-aaral sa positibong pananaw upang umunlad at maging produktibo silang mamamayan na baling araw ay magiging mga bagong lider n gating bansa.Dahil sa tayo lamang ang nag-iisang bansa sa Asya na walang Kto12 program sa mahabang panahon, kaya’t ngayon na ipinatupad na ang sistemang ito, nagbigay ng malaking pondo ang pamahalaan upang maipagawa ang mga dagdag na silid-aralan.Lahat tayong Pilipino ay nangangarap na magkaroon ng magandang buhay at maiahon ang ating mga pamilya mula sa kahirapan. Nawa sa ginawang pagbabago na ito sa programa ng ating edukasyon ay maging kasagutan sa ating hinihiling na pag-unlad sa ating mahal na bayang Pilipinas.#
By: Rowena A. Delfin | Teacher III | Mariveles National High Scholol, Poblacion | Mariveles, Bataan