ISANG KAPASIYAHAN NA HINIHILING SA MINISTRI NG EDUKASYON, PALAKASAN AT KULTURA NA PALITAN ANG PANGALANG “PAARALANG ELEMENTARYA NG ORION” NG PANG-ALAALANG PAARALANG CAYETANO ARELLANO (CAYETANO ARELLANO MEMORIAL SCHOOL)
“SAPAGKAT, ang bayaning si Cayetano Arellano, na siyang tinanghal na Kauna-unahang Pilipino na mahirang na Punong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman (first Filipino Chief Justice of the Supreme Court) ay kinilala hindi lamang sa ating bansa noong mga panahong iyon, maging sa ibang bansa ay kinilala rin ang kanyang talino;
“SAPAGKAT, upang maging buhay ang kanyang alaala at upang magsilbing magandang halimbawa ang kanyang ipinunla sa bansang Pilipinas, nararapat lamang na siya ay parangalan ng bayang ito sa dahilang dito sa lupang Orion siya nakakita ng unang liwanag;
KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kagawad Remigio R. Sabino at pinangalawahan ni Kagawad Alfredo Q. Roxas, ay
By: