“SAPAGKAT, ang Sangguniang Barangay ng Puting Buhangin at ang Samahan ng mga Magulang at Guro ng Paaralang Elementarya ng Puting Buhangin ay humihiling sa Sangguniang Bayan ng Orion na magkaroon ng RICCC (Rural Improvement Club Children Center) sa barngay upang maturuan ang batang may edad 4-6 na taon;

                “SAPAGKAT, ang layuning ito ng Sangguniang Barangay ng Puting Buhangin at ng Samahan ng mga Magulang at Guro sa pagpapatayo ng RICCC ay isang makabuluhang proyekto upang maisaalang-alang ang kapakanang pangkaisipan ng mga bata;

                KAYA’T DAHIL DITO, sa panukala ng Kgg. Gabriel L. Manrique, Punong Bayan, sa mungkahi ni Kagawad Peter T. Seeckts na pinangalawahan ni Kagawad Alfredo Q. Roxas, ay

                “IPINASIYA, na pagtibayin ng kagaya sa ngayon ay buong pagkakaisang pinagtitibay ng Sangguniang Bayan ng Orion, Bataan, ang pagpapatayo ng RICCC sa barangay ng Puting Buhangin ayon sa kahilingan ng Sangguniang Barangay at ng Samahan ng mga Magulang at Guro, na may pasubaling; pansamantala, habang ang Pamahalaang Bayan ay walng nakalaang pondo para sa proyektong ito, ang pagtustos sa mga pangangailangan, tulad ng suweldo ng magtuturo at iba pang gamit, ay kakatawanin muna ng mga magulang ng mga batang magsisipag-aral;

Download Documents

By:

Website | + posts