“SAPAGKAT, batay sa “Assessment Regulation No. 1-84” at Local Treasury Regulation No. 6-84” na pinagtibay noong ika-19 ng Nobyembre, 1984, ng Kgg. Pangulong Ferdinand E. Marcos at Kgg. Punong Ministro Cesar Virata na siya ring Ministro ng Pananalapi, ang buwis na ipinapataw sa mga pag-aaring di-natitinag (Real Property) ay itataas ng 40% sa taong 1985, 30% sa taong 1986 at 30% sa taong 1987;
“SAPAGKAT, nalalaman na malaking tulong ang magagawa ng pagtataas ng buwis sa mga pag-aaring di-natitinag sa pagsasakatuparan ng mga pagawaing bayan na magdudulot ng kaunlaran sa mamamayan, subalit nararamdaman din ng Sangguniang Bayan ng Orion, Bataan, na dahil sa kahirapan ng buhay natin sa ngayon, lalo lamang dadami ang hindi makapagbayad ng kanilang obligasyon sa pamahalaan kung kaya ang adhikaing makapagsampa ng dagdag na kita sa kaban-bayan ay hindi maisasakatuparan;
“SAPAGKAT, nakakarating sa kaalaman ng Sangguniang Bayan ang ilang karaingan ng mga mamamayan hindi lamang ng bayan ng Orion kundi ng buong lalawigan ng Bataan sa dahilang karamihan ng mamamayan sa lalawigang tio ay walang trabaho at kung mayroon mang trabaho ay hindi sapat ang kanilang kinikta upang ipangtustos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya;
By: