“SAPAGKAT, isang kahilingan ang iniharap sa di-pangkaraniwang pulong ng Sangguniang Bayan ng Orion, Bataan ngayong ika-15 ng Enero, 1985, ng mga maliliit na mamamalakaya na humihiling sa sangguniang ito, sa pamumuno ng Kgg. Gabriel l. Manrique, Punong Bayan, na ipatigil pansamantala ang pagbibigay ng pahintulot na makapagtayo ng alleluya at baklad ang ilang nagnanais pang magtayo at sa halip ay panatilihin na lamang muna ang kasalukuyang dami ng alleluya at baklad na nakatayo sa karagatang nasasakop ng bayan ng Orion;
“SAPAGKAT, ayon sa naturang kahilingan, malaking kawalan ang idinudulot ng pagdami ng alleluya at baklad sa karagatan sa dahilang wala nang mapaglatagan pa ng lambat ang mga maliliit na mamamalakaya at ang karagatang siya lamang inaasahan ng mga mahihirap na mamamayan ay halos puno na ng alleluya at baklad;
KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ng Pangulo ng Kapisanan ng mga Punong Barangay, kagawad Roberto V. Fernandez na pinangalawahan ng Pangulo ng Kapisanan ng mga Kabataang Barangay, Kagawad Gregorio S. Uy, Jr. , ay
By: