Taong 2012 ng maisakatuparan ang K-12 Curriculum na kung saan may hangaring makasabay an gating bansa sa edukasyon ng mga nakararaming bansa sa ating mundo.Ito rin ay naglalayong makalikha ng mga mamamayang mayaman sa intelekwal at kakayahang hinahanap ng industriya. Ngunit sa pag-inog ng mundo mukhang napatagal ang takbuhin ng pag-aaral ng mga batang nais makamit ang kanilang mga pangarap. Kaya ang ilang hirap sa buhay ay mas minabuti na ang makapagtrabaho upang punan ang pangunahiong pangangailangan ng kanilang pamilya Pilipino na mas kinikilalang nasa laylayan.
Kung ating iisipin nga naman mas handa ang bawat indibiduwal na makatapos sa tulong ng kurikulum na ito dahil mas nahasa na ang kanilang mga kakayahan.Kung noon ay mas nakatuon sa matematika,p[agsulat at pagbasa ,nagyon naman ay mas nadagdagan ang ang dapat linangin ng edukasyon. “ Ready Individuals” ika nga sa wikang Ingles ang mga tawag sa mga nagsipagtapos sa ilalim ng K-12 Kurikulum.Hinasa sa tulong ng edukasyon at mga karanasang nagpatatag sa bawat isa. Ang ilang mga asignatura ay “advance” kaysa sa nakaraang kurikulum.s
Ikaw bilang nakararanas ng kurikulum na ito, ano ba para sa ino ang kurikulum ng henersayon? Hand aka nga bas a kinakailangan ng industriya o nagpapabigat nga lamang sa bulsa ng bawat magulang ang dagdag taon sa pag-aaral at pinatatagal nga lang ba nag pag-abot sa mga nakabinbing mga pangarap ng bawat kabataang Pilipino?Ngayon, nasaan ang paglilinaw ng ilang mga dalubhasa sa mga tila naiwaglit ng mga magagandang dulot ng makabagong edukasyon.