Bawat isa sa atin ay may mga kaibigan. Mayroong may isa lamang kaibigan.Mayroon namang may dalawa,tatlo o higit pa rito. Dito nabubuo ang isang barkada. Ito ang barkadahang walang iwanan .”Come what may “, ika nga sa Ingles.
Kay sarap sa pakiramdam na ikaw ay may mga kaibigan, na ikaý kabilang sa isang grupo na handang dumamay,tumulong sa mga problema. Handa silang magbigay ng payo kung kinakailangan.May kasama ka sa pamamasyal,sa pag-aaral sa library at sa paglalaro.Subukan lamang na may umapi sa iyo,nariyan ang barkada mo para protektahan ka at ilayo sa gulo. Iyan ang kabutihan ng isang barkada. Ang mga kaibigan mo pa rin ang kung minsan ay nagsisilbing inspirasyon mo sa pag-aaral. Bakit ? Dahil may mga barkadahan na nagpaplano para pumasok sa iisang paaralang sekondarya. Sipag na si[pag ka pang pumasok para makasama sila. Aliw na aliw ka sa mga biruang walang katapusan. Dito makikita ang magandang barkadahan.
Subalit may mga barkada rin namang ang dulot ay hindi maganda. May mga barkadang pinagsisimulan ng mga bisyo tulad ng paninigarilyo. May mga barkadahan na hinihimok ang kanilang mga kasama na subukin ang ganitong bisyo. Dahil sa pakikisama at pakikibagay , marami ay nagpapadala na lamang sa agos. Mapagbigyan lamang ang barkada ay hindi na naiisip kung ito baý makabubuti o makakasama sa kanya. Ito ang mga kaibigang hindi marunong humindi sa barkada,kaya kadalasaý napapahamak. May barkada ring gusto pang mag-cutting classes o magbulakbol.Sa halip na sila ay maging inspirasyon mo sa pag-aaral ,sila pa ang nagtuturo ng mali. Sa sobrang pakikisama,nagkakaroon ng kaaway dahil kapag kaaway ng isa, kaaway ng lahat. Dito nag-uugat ang mas malaking gulo sa pagitan ng dalawang barkada.Ang mas nakalulungkot isipin ay iyong mas pinakikinggan at pinahahalagahan pa ang mga kabarkada kaysa sa sariling magulang o kaanak.
Napakasarap magkaroon ng kaibigan ngunit dapat maging matalino sa pagpili ng ating babarkadahin at kakaibiganin. Walang masama sa pakikipagbarkada ,lamang ay ilagay sa lugar ang pagdadala at pakikisama.
By: MRS. JULIETA S. REFUERZO | Teacher III | LALAWIGAN ELEMENTARY SCHOOL SAMAL, BATAAN