Isang mapagpalang taon sa mga mag-aaral at sa mga magulang!Maramimg mga magulang ang lubos na matutuwa dahil sa magandang handog ng mag-amang Gob. Enrique “Tet” Garcia at Kong. Albert “Abet” Garcia para sa kanilang mga anak na nagsisipag-aral sa elementarya. Mababawasan na ang kanilang problema patungkol sa mga gastusing nauukol sa mga gamit-eskwela lalo na sa mga magulang na may mga anak na sabay-sabay na nagsisipag-aral.Sadyang napakamatulungin ng mag-amang ito. Hindi nila nakakalimutang tumulong maging sa mga taong nabibilang sa pinakamababang antas ng pamumuhay. Dama nila kung gaano kahirap ang pasanin ng mga magulang kaya’t upang mabawasan ang kanilang dalahin, magkakaloob sila ng libreng gamit-eskwela tulad ng kwaderno, lapis, bolpen at iba pa. Bawat isang bata mula una hanggang ika-anim na baitang ay mapagkakalooban ng mga nabanggit na kagamitan.Sa panahong ito, hindi na hadlang ang kahirapan upang matamo ang magandang kinabukasang hinahangad ng mga magulang sa kanilang mga anak. Katuwang ng mga magulang ang “Ama ng Bataan” – Gob. Tet Garcia kasama ang kanyang anak – Kong. Abet Garcia sa pagtataguyod ng mataas na pangarap ng mga mag-aaral na syang pag-asa ng ating bayan.Salamat sa mga taong tulad nila. Nawa’y pagpalain at palawigin pa ng Panginoon ang kanilang mga buhay. Mabuhay po kayo!
By: Mrs. Teodora T. Quezon