Hindi sapat na may orasang pambisig o orasan sa dingding ang isang guro, ang mas mahalaga ay kung papaano niya pamamahalaan ng tama ang bawat oras na nakalaan sa pagtuturo sa bawat aralin o sabjek.
Ang pamamahala ng oras sa loob ng silid-aralan ay mahalaga para sa isang guro. Ang paghahanda ng mga gawain ay kabilang kung papaano gagamitin ito. Maraming bagay, dahilan, o salik ang may kinalaman sa pamamahala ng oras, na kadalasan ay nagsisilbing dahilan upang masira o di masunod ang nakatakdang gawain para sa araw o oras na iyon. Halimbawa ay ang pagkakaroon ng madaliang pagpupulong ang mga pinuno ng paaralan at mga guro, dili naman kaya ay biglang nagkaroon ng malakas na pag-ulan at pagbagyo. O kaya naman ay ang pagkawala ng kuryente, pagkasira ng mga kagamitan sa pagtututo, halimbawa Computer, TV set, LCD o Projector. May biglaang gawain at iba’t-iba pang dahilan upang maabala ang nakatakdang gawin sa oras o araw na iyon.
Sa mga ganitong pagkakataon o kailanman sa ating pagtuturo ay may ilang bagay na dapat tandaan upang makatulong sa pamamahala ng tumpak o maayos at organisado sa oras sa silid-aralan.
1. Kung may hadlang o biglaang dahilan upang di matapos ang aralin, ibagay na lamang ang aralin para sa nalalabing oras, at ipagpatuloy ito sa susunod na pagtuturo.
2. Kung may oras pang nalalabi para sa pagtuturo ng sabjek o aralin mo, halimbawa English, Math o Filipino ay huwag mong sayangin ang oras, sa halip ay dagdagan pa ang gawain, drill o practice activities halimbawa basahin ang stanza ng isang tula na naituro na kumakalian lang, at ipaliwanag pang mabuti.
3. Mahalaga ang pamamahala sa oras, limitado lamang ang pananatiling magkasama ng guro at mag-aaral, kaya himuking mabuti ang mga bata na huwag ng liliban kung di lamang kailangang-kailangan. Mahirap magpaulit-ulit sa pagpapaliwanag ng mga araling natapos na.
4. Gumamit ng paraan o istratehiya ng pagbibigay tungkulin sa mga responsableng mag-aaral. Halimbawa, pagbibigay ng aklat at pangongolekta sa pagsosoli ng mga ito, paggamit ng group work o cooperative learning.
5. Maging palaging handa sa mga hindi inaasahang pagkahinto ng klase o maging flexible.
6. Isiping mabuti ang gustong magawa o mangyari sa araw o oras na iyon at iyon ang ipatupad sa klase. Halimbawa, “Inyong gagawin ang inyong gawain sa loob lamang ng limang minute”.o dili kaya naman ay “Alas-dyes ay hihinto jayo sa pagdodrowing at sisimulan na ang pagpapaliwanag o interpretasyon ing inyong ginawa.”
Papano mo malalaman kung tama ang pamamahala mo sa oras? Syempre, kung hindi ka sumosobra o kumulang sa oras at ang mga mag-aaral ay nakatapos sa kanilang aralin na may pagkaunawa.
By: Mrs. Agnes Pasion | Teacher III | Hermosa National High School | Hermosa, Bataan