Alas- kwatro palang ng umaga ay gigising na si Roda. Mag uumpisa na siya ng gawaing bahay, magwawalis ng bakuran, maglilinis ng bahay bago kumain at maligo. Handa na siyang pumasok ng paaralan pagkatapos ng payak na almusal. Baon ang kapirasong tinapay, masigasig na nag aaral si Roda. Lahat ng mga paksa ay nakukuha niyang pasukan sa loob ng isang araw. Sulat dito, basa doon ang kanyang ginagawa. Pag may proyekto ay manwal niyang gagawin. Sulat kamay lahat ng aralin at mga sulatin. Kung ano ang sasabihin ng guro ay siyang sinusunod ng mga mag aaral. Matapos ang maghapong paglipat- lipat ng mga silid- aralan. Tulad ng paglalakad pagpasok, muling maglalakad pauwi si Roda.
Sa kabilang panig; alas sais na nang umaga ay tulog pa si Hannah, Paggising niya ay handa na ang almusal, mauupo sandali pagkatapos ay maliligo. Sa pagpasok, ihahatid gamit ang motorsiklo, may baong pera, pambayad sa photocopy, compute shop at iba pang proyekto na sapat pa para pambili ng masaganang meryenda. Konti na lang ang sinusulat halos lahat ng paksa ay “photocopy” ang mga tinuturo. Ang proyekto ay ire- research lamang sa internet. Ang mga sulatin ay computerized. Mas maipapahayag ng mga estudyante ang kanilang sarili dahil hinahayaan na sila ng kanilang mga guro na ipakita sa bawat oras ang ang kanilang pagkamalikhain. Kung ano ang gusto ng mga estudyante ay siyang nasusunod.
Magkaiba nga ba ang mga mag aaral noon at ngayon, o sadyang nagbabago ang panahon?
Tanda ba nang pag unlad sa edukasyon ang mga pagbabagong ito?
O sadyang iba ang usbong ng mga kabataan noon at ngayon?
Anu man ang maging sagot natin sa mga katanungang ito. Sa opinyon ng isang magulang, nababatay sa atin kung anung klaseng estudyante, magiging ang ating mga anak. Sa uri ng pagpapalaki at paraan ng paghubog nababatay.
By: Charito V. De Leon | Teacher I | Pablo Roman National High School | Pilar, Bataan