Instant Coffee, Instant Noodles, Instant Oatmeal, Re-fill, Bottomless, Unlimited Text & Call, Unlimited Rice, ang mga nabanggit na mga pariralang ito, mas mas o menos ay may kinalaman sa makabagong teknolohiya. Silipin din natin ang mga sumulpot na mga balitang bago sa pandinig, lalong-lalo na para sa mga senior citizens, kagaya ng low-bat, dine-in, take-out, load, confirm, short message service, pasaload, upload, download, facebook, search.
May mga kataga o salita sa panahon ngayon na may mga karagdagang kahulugan. Halimbawa ang salitang “mouse” sa pagkaalam natin ang ibig sabihin ay “daga”, sa ngayon di lamang ito ang ibig sabihin. May karagdagang kahulugan sa teknolohiya, ito ay isa sa mga bahagi ng isang computer. Ito ang ginagamit sa pagpapakilos ng cursor upang matukoy ang kailangang Gawain. Ang “windows” ay di lamang bintana ang ibig sabihin;ang keyboard ay hindi lamang salitang pangmusika ang surf ay di lamang ngayon inuukol sa tubig-dagat, ganoon din ang chat, di lamang pang personal o face to face na usapan at bumaba na ang bilang ng mga naghuhulod ng sulat sa koreo o post office; sa halip, electronic mail (email) na ang ginagamit, Facebook, Twitter o iba pang uri ng blog.
Ang mundo ay isang click lamang ang layo sa atin, salamat sa imbentor, na si Bill gates, na itinuturing na pinakamayamang nilalang sa buong mundo. Siya ang nagimbento ng kompyuter, na siyang dahilan upang tayo ay makapag-internet at makausap ang malalayong kaanak, kaibigan o kakilala. Ito din ang isang malaking tulong upang ang mga nagnanais umapply sa trabaho, local man o abroad ay makatagpo ng trabaho. Ganoon din naman, marami ang nagsa-shopping sa pamamagitan ng online buying damit, kotse o maging pagpapabook sa airline kung ikaw ay maglalakbay.
Sa isang banda ay atin naming alamin ang ilang sumusunod na pangyayari:
Ang ilang kilalang local na artista na kumalat ang mga malalaswang kuha sa internet.
Ang isang ina na siya mismo ang nag-uutos sa kanyang mga anak upang magpakuha ng hubad sa pamamagitan ng internet.
Ang mga ilang kababaihan sa mahihirap na lugar sa Pilipinas na ibinebenta ang katawan sa pamamagitan din ng pagpapakuha ng hubad.
Ang mga kabataan na nalulong sa mga nakaka-adik at bayolenteng computer games.
Ang mga hacker ng computer programs na nakakapagwithdraw sa bangko ng hindi nila pera.
Ang mga propaganda o advertisement na humihikayat na bumili ng kanilang produkto sa pamamagitan ng biswal na presentasyon na malayo naman ang mga itsura ng produkto sa katotohanan
Ang mga pagkaing instant.
Ang mga softdrinks na light kung turingin.
Ang ibat-ibang energy drinks at tonic food
Ang ibat-ibang food supplement at herbal medicines.
Ang lahat ng mga ito ay nag-ugat sa modernong teknolohiya. Sabi nga sa wikang Ingles,” is it a Boon or a Bane?”
By: Mrs. Agnes Pasion | Teacher III | Hermosa National High School | Hermosa, Bataan