Ipinagdiriwang ang Buwan ng Agosto bilang paggunita sa ating Ama ng Wikang Pambansa na si Pangulong Manuel L. Quezon, na gamiting wikang Pambansa ang Filipino kaya’t sa pamamagitan ng mga bata mula sa una hanggang anim na baitang ay naghanda at naghandog ng mga natatanging talento sa pagsayaw,pag awit at pagtula. Dito’y ipinakita at ipinaalala ng mga bata na buhay na buhay pa rin sa ating mga Filipino ang pagmamahal sa sariling bansa maging sa ating wika.
Isinabay na rin sa pagdiriwang na ito ang pagtatalaga ng mga naihalal na bagong pamunuan ng GPTCA, HRPTCA at KABAYANI na magiging katuwang ng mga guro tungo sa pagkamit ng mga mithiin sa lalo pang ikauunlad ng Paaralan ng Capunitan.
Kalakip nito ay ang mga larawan sa naganap na palatuntunan.
By: MELINDA C. LAS PIÑAS, CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL