Kamakailan ay nagkaroon ng pormal na “TURN OVER AND ACCEPTANCE CEREMONY” sa municipalidad ng Orion para sa dalawang (2) KIOSKS (2 HP COMPUTERS) na ipinagkaloob ng DTI bilang parangal sa 10 matagumpay na mga LGU (Local Government Unit) sa buong Pilipinas na nakatapos ng “PBR Script/Program”. Dinaluhan nina Ms. Vina Liza Ruth C. Cabrera (Project Director), Mr. Whilner Morales(Project Manager) at Ms. Yay Lasam (DTI Provincial Director) at Mayor TonyPep Raymundo nasabing programa. Ibinahagi ni Dir. Cabrera na ang Orion ay panglima (5) sa sampung (10) LGU ngunit kauna-unahan namang municipalidad sa Pilipinas na nagkaroon ng PBR Script. Sa pamamagitan nito ang mamamayan ng Orion ay maari ng mag-register ng business sa pamamagitan lamang ng pag-access sa www.business.gov.ph website. Ang PBR system ay isa sa mga programa ng ating Punongbayan para sa COMPUTERIZATION or E-GOVERNANCE upang maipagkaloob ang mabilis at makabagong serbisyo sa para lahat.
By: