Mula noong ako’y isilang ng aking ina

Wagas na pag-ibig kanyang ipinadama

Blessing daw ako sa itaas sabi ng iba

Naging protective, iniingatan nang sobra

Kabiguan ay minsan niyang naranasan

False hope lamang pala ang inaasahan

Gustong makadama ng tunay na kasiyahan

Yun lamang at wala ng ibang  kahilingan

Answered prayer  daw  ako  sa kalangitan

Katugunan  sa oras na di inaasahan

Umaapaw ang kasiyahang  di matularan

Hindi ipinagkait God’s will talaga iyan.

Diyos lang ang nakaaalam ng takdang panahon

Right timing lamang ang  magiging solusyon

Sa suliraning tinahak hindi nagpalamon

Daig pa niya si superwoman sa bawat aksyon

Aking inang mapagmahal, dakila ka

The best ka talaga, wala kang kapara

Ano pa ang hihilingin sa Diyos na mapagpala?

Sa takip-silim ng buhay, ako ang iyong makakasama.

Manolito Senting Calapano | Teacher II | Olongapo City National High School
+ posts