STRENGTHENING SCHOOL LEADERS’ CAPACITY IN IMPLEMENTING

ALTERNATIVE DELIVERY MODES

“Walang maiiwan ng mga kabataan upang edukasyon kanilang makamit.”

Balikt-tanaw  sa naganap na seminar sa mga gurong dumalo  sa elementarya at sekondarya ng SDO Balanga,City sa ginanap na seminar noong Agosto 9-11,2023 sa City of Balanga National High School. Layunin ng seminar na ito ay upang makatulong pa sa mga kabataan na nagnanais na mag-aral sa kabila ng kinakaharap na mga pagsubok sa buhay tulad ng working students,suliraning pangkalusugan,suliraning pang-kaisipan at  iba pa.

 Tinalakay ni Sir Ernesto ang mga sumusunod; Overview of Alternative Modes, Legal Basis,Deped Order No.54,2012, Annex 3 of the Deped Order No.21 s.2019, ADM officially enrolled in the formal system, Flexible Learning Options, Flexibility in Instructional of Learning Modalities, and Ongoing ADM of Deped.

Kabilang din sa mga natalakay ang Teaching and Learning Support Materials for ADM, Republic Act. No.10618, Target of ADM,Types of Instructional Materials,The different types of Instructional Materials,Use of IM for effective  teaching and learning,Elements of a Learning Module,Elements of the Body of an ADM Module Per Grade level.Challenges and Best Practices.Nagkaroon din ng Open Forum matapos ang pagsasalita  ni Sir Nestor.

 Nagbuo din ng Action Plan ang mga guro, nakapaloob dito ang mga sumusunod; Activity Program, Objectives, Strategies,Responsibility,Timeline,Evaluation/Remarks.

 Nagbahagi   din si Mam Merlinda T. Tablan-Chief Education Supervisor/Curriculum Implementation Division, ng “inspirational message.”  Nagbahagi din ng kaalaman ang tagapagsalita na si Mam Annaliza D. Tuazon-Principal II ng Tortugas Integrated School, tungkol sa “Leadership” batay sa kaniyang inilahad ; “Being a good follower is an important part of being a good leader.”Naging tagapagsalita din si Mam Alma V.Poblete,DEM Principal IV -BNHS-JHS, natalakay niya ang Pressure,State and Response.Multi factor Assessment Tool.Organizational Maturity,Readiness of Division staff,The DORP CFSS shall utilize the FACE Approach (Focused,Accelarated,Convergent,Expanded) Naglahad din ng naging karanasan,hamon at naging tagumpay  ang OHSP Adviser-BNHS-JHS na si Mam Michelle P.Perdio.

Naging tagapagsalita si Mam Marcela S. Sanchez OHSP Coodinator sa BNHS-JHS.Tinalakay niya ang mga Legal Policy Framework at mga batas tulad ng mga sumusunod; Deped Order No.21 s.2019, Article XIV sec.1 of the 1987 Constitution,Batas Pambansa 232,Deped Order No.74 s.2010,Deped Order No.40 s.2012, Deped Order No.19 s. 2011 at marami pang iba.

Sa kabuuan ng seminar, ang mga programa sa Alternative Delivery Modes na isinagawa sa dibisyon ng Balanga ay natuklasang maraming pagpipilian upang ang ating mga kabataan ay patuloy na makapag-aral sa kabila ng mga kinakaharap na pagsubok sa buhay.

Kailangan lamang na gabayan ng mga guro at sama-samang magtutulungan patungo sa iisang misyon na;  “Walang maiiwan ng mga bata/ kabataan upang edukasyon kanilang  makamit.” At ang karagdagang kaalamang ibinahagi sa mga guro sa seminar ng ADM ay “work together” to reach goals, support, team spirit, collaboration, communication, and exchange. Para sa bata para sa bayan.Malaking tulong ang seminar sa mga guro upang maunawaan ang mga bagay na dapat pang gawin sa ating mga mag-aaral.Kailangan lamang ng gurong may malasakit, matiyaga, at determinadong tumulong sa mga nangangailangan ng mga mag-aaral na nagnanais na magpatuloy sa pag-aaral.Ipagpatuloy ang Alternative Delivery Modes upang maisulong ang pagkatuto ng mga kabataan na may hangarin na makatapos ng pag-aaral.

Napagandang simula ito upang lalo pang pag-ibayuhin ang paglinang sa mga guro dahil sila ang magsisilbing inspirasyon ng mga mag-aaral. Kaya muli kaming umaasa na magpapatuloy ang pagpanday   ng mga guro para sa mga kabataang nangangailangan ng gabay at patnubay.

MICHELLE P. PERDIO|TEACHER II|SDO BALANGA CITY|BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
+ posts