Ulit at ui nating naririnig at nababasa sa mga pahayagann at telebisyon ang pagpapalit ng administrasyon ay may tiyak na mababago. Ito ay nasaksihan ng bawat isa sa atin, matanda man at bata.
Bumulaga sa madla ang 10 Points Agenda for Basic Education ni Pres. Aquino noong nakaraang eleksiyon sa pagkapangulo. Ito ay isang mabigat na hamon para sa isang tao na magbigay ng tuon sa hamon ng edukasyon. Ang anunsiyong ito ay isang malaking obligasyon sa kapakanan ng mga mag-aaral na mapataas ang uri at kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa pagbibihis ng bagong kurikulum, ang implementasyon ng Universal Pre-school na kung tawagin at K to 12 ay nakaabot na sa ikalawang bahagdan ng pag-aaral o ang grade 8 sa kasalukuyang panahon, sa pagbibihis na ito, marami pa rin ang nagtatanong, kung sapat ba ang mga classroom na gagamitin, modules at mga gurong nagsasanay para sa iba’t ibang asignatura, ang kahandaan bas a pagkatuto ay nariyan na tunay na mahirap itong bakatin. Pero kung hindi natin gagampanan ng taos-puso ang isang adhikain ay mananatiling adhikain.
Bagama’t may ganitong mga gam-agam bakit hindi natin tanggapin na tio ay isang magandang idea at itong K to 12 ay isang malaking hamon para sa magandang kinabukasan. Sa isang banda ang anim na taon o 12 year privilege ay kinapapalooban ng bokasyong teknikal. Isag paghahanda sa larangan ng traaho, kinakailangan na mabago ang paggawa ng mga bata at mabawasan ang mga lumiliban sa klase na magiging dahilan ng kanilang paghinto sa pag-aaral Ito ang mga nakapaloob sa panukalang K to 12 program.
Sino ang nakababatid nito, ako ay umaasa sa kabila ng mga pagdududa ako ay umaasa pa rin sa ikatatagumpay ng proyekto dapat sama-samang itaguyod ang isang adhikain.
By: EMILIA T. FERRERA | SCHOOL PRINCIPAL | KAPARANGAN ELEMENTARY SCHOOL | ORION, BATAAN