Bilang mga guro tayo ay nagtuturo at natututo sa ating mga karanasan at Gawain. Malaki ang tungkulin natin sa ating pamilya, pamayanan at sa mga batang ating tinuturuan. Tayo ang tagahubog ng mga henerasyon na bubuo sa ating bansa. Kaya dapat nating mahalin ang mga batang ating pinaglilingkuran kahit na may sagabal man ito. May mga batang palatanong, makulit at may gusting gawin na kahit labag sa ating kautusan ay kanilang ginagawa. Ang mabisang paraan upang madisiplina ang mga batang ating tinuturuan ay maipaliwanag at maipahayag ang mga kaustusan o regulasyon na gusto nating iparating sa kanila.
Ang mga batang palatanong ay kailangan nating sagutin ang kanilang mga katanungan kapag dumating ang tamang oras para maibsan ang kanilang pag-aalinlangan tungkol sa kanilang kaalaman. Kung di natin ito papansinin, maiisip nila na tayo ay walang kakayahan o kaya ay hindi tayo interesado sa kanilang mundong ginagalawan.
Maraming kaalaman ang maibibigay natin sa kanila na hindi kayang maibigay ng kanilang kapaligiran. Ang paaralan at guro ang magtuturo sa kanila kung paano magiging maayos ang kanilang kinabukasan at pamumuhay sa darating na panahon.
Ang layunin natin bilang mga guro ay magturo, magdagdag ng kaalaman sa bawat batang ating tinuturuan at maging magulang kapag sila ay nasa paaralan. May mga pamamaraan tayong ginagawa sa pagtuturo upang matuklasan natin ang mga kahinaan ng mga batang ating tinuturan.
Bukod doon kasama ang pagiging matiyaga natin dahil hindi lahat ng gagawin natin sa kanila ay matututunan agad nila. Kailangan natin ng pag-iingat sa pagpapalano para ang mga ibinigay o ibinahaging kaalamn at agad nilang maintindihan at maisagawa ito nang maayos.
May pananagutan tayo sa mga batang ating tinuturuan. Dapat nating isipin na isa itong seryosong gawain o bagay upang maging gabay nila sa darating na panahon. Tayo ay pwedeng maging bahagi ng kanilang buhay dahil nakapagbigay tayo ng karunungan na magagamit nila habang sila ay nabubuhay.
Kaya tayong lahat bilang mga guro lamang, huwag nating isipin an gating sarili lamang, ang isipin natin ay ang maraming henerasyon na dadampi sa ating mapagkalingang kamay at umaasa sa kailangan at karunungang ating maibibigay.
By: Ma. Teresa D. Bautista