Muling balikan noong panahon ng pandemya, sa ating bayan tila ang bawat isa sa atin ay ligalig ang mga kaisipan. Iniisip ng mga magulang kung paano na nga ang pag-aaral at edukasyon ng kanilang mga anak.Ang mga mag-aaral naman katulad din ng mga guro na maraming mga  kinakaharap na suliranin.Para sa mga mag-aaral ang suliranin nilang naranasan ay ang pumili sila ng “learning modality” na kanilang gagamitin upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Dati hindi na nila kinakailangang pumili siguradong sila ay mag-aaral ng “face to face classes”. Ang mga guro naman pipili din sila ng “learning modality” na kanilang hahawakan.Sa una,kinakabahan ang karamihan sa mga mag-aaral at guro dahil ito ang unang karanasan nila sa panahon ng pandemya.Ang ilan pang naranasan ay ang kakulangan sa Learning Activity Sheet o Weekly Home learning Plan ng mga mag-aaral dahil  may pagkakataon  na ang  ilang mag-aaral ay nagbabago ng kanilang learning modality at dahil dito ang mga paaralan  ay nagkukulang sa mga kagamitang panturo.Bunga nito naaantala ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa kapos ang mga kagamitang panturo tulad ng LAS at WHLP.Sa panig naman ng mga guro dahil lumilipat ang mga mag-aaral sa ibang learning modality inililipat din ng seksyon ang mga mag-aaral. Ang health break sa paaralan ng BNHS-JHS ay nagsimula noong ika-17-28 ng Enero taong 2022, isa sa mga itinuturong dahilan  upang  hindi maantala ang pagkatuto ng mga mag-aaral.Ang mag-aaral  ay kinakailangang  magpahinga ng dalawang linggo upang sundin ang kaligtasang pangkalusugan.Isa ding suliranin ay  ang gadgets na kung saan ang mga mag-aaral ay  hindi nabibigyan ng pansin ang mga ibinibigay na output ng mga guro.Hirap din ang mga guro sa pagkolekta ng mga kasagutan ng mga mag-aaral .

Sa kabila ng lahat ng suliraning nabanggit ay patuloy na gumagawa ng paraan ang mga guro at paaralan upang masagip ang mga mag-aaral sa pagkakalulong sa mga gadgets at iba pang naging balakid dulot ng panahon ng pandemya sa ating bansa. Nais ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na maisakatuparan ang kasabihang “Nasa mga kabataan ang pag-asa ng bayan.” Kaya dapat lamang na silang mga kabataan ang makatuklas na kahit humaharap sa suliraning pangkalusugan ang ating bayan, naririyan pa rin ang misyon at hangarin na mapanuto sila at maitaas ang kalidad ng edukasyon.Magamit ang mga makabagong teknolohiya sa makabuluhang paraan na makatutulong sa kanilang mga pag-aaral.Gaano man karami ng mga suliraning kinakaharap ay patuloy na haharapin, kapit- kamay lamang ang mga guro at mag-aaral maging ang mga magulang,  sa sama-samang pagsulong ng edukasyon kahit  sa panahon ng pandemya.

Bilang pagtatapos,nakatutuwa na nalampasan natin ang pagsubok na ito sa ating bayan. Ngunit hindi dapat na makampante dahil nagbabanta pa rin ang virus sa ating paligid kaya kailangang maging maingat pa rin tayo.

Nagtagumpay tayo upang isulong ang edukasyon kahit may kinaharap tayong suliranin sa ating bayan.Naging magiting na bayani ang mga guro upang harapin ang kanilang resposilibilidad na hindi alintana na maaaring manganib ang kanilang sariling kalusugan.

MICHELLE P. PERDIO|TEACHER II|SDO BALANGA CITY|BATAAN NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS
+ posts