Napakaraming guro dito sa amin

Ngunit bakit tila walang natira?

Nag-aabroad sila

Gusto kong yumaman yumaman yumaman yumaman

Katatapos nanaman ng napakaraming graduation, mga commencement excercies at mga kung anu-ano pang mga seremonyas ng pagtatapos. Sa loob ng labing anim o higit pang mga taon ng pormal na edukasyon. Sa wakas dumating na rin ang araw ng pagtatanggap ng diploma, na nagpapatunay ng isa ka ng tituladong tao. Ngunit sa dami ng Pilipinong umakyat sa enteblado at tumanggap ng diplomang pangkolehiyo, sa libu-libong iskolar ng gobyerno, bakit hanggang ngayon lagging sinasabi sa mga serbey at mga pagaaral na may kakulangan tayo sa guro, doctor at iba pang mga propesyon na kailangan upang maitaguyod ang pangangailangan ng nakararami. Nasaan na nga ba talaga sila at bakit tila nauubos sila?

Makikita natin sila sa mga karatig bansa at doon nagbabanat ng buto. Mas pinili nilang makipagsapalaran sa ibayong dagat. Ito ay dahil sa mga pangangailangan nila t ng kanilang pamilya na hindi natutuunan ng tamang pansin kung mananatili lamang sila rito sa sariling bayan. Tulad ng edukasyon, kalusugan at magandang hanap buhay. Kaya napakaraming Pilipino tuloy ang mas nanaisin magpaalipin sa mga dayuhan upang matamasa lamang ang kaginhawahan na hindi nila maranasan sa Pilipinas. May umuwing minaltrato ng amo, niloko ng employer o kaya minsay nasa ataul na. ganyan ba ang dapat ipagpalit ng mga Juan del Cruz upang makatikim ng sinasabi nilang pagasenso. Meron naming nagkaroon ng magandang buhay pero Pilipino pa rin ba ang kanilang nasyonalidad? Ang senaryong ito sa ating lipunan ay isang pagmumulat sa mata ng pamahalanan at mga mamamayan.

Lahat tayo hinahangad na umangat an gating bansa ngunit kung magpapatuloy ang paglala ng brain drain, mukang mahaba pa an gating tatakbuhin bago natin marating ang tagumpay na ninanais natin. Sana ay itatak natin sa ating mga isip na ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino at ang mga Pilipino ay para sa Pilipinas. Hindi tayo alipin o tauhan ng ibang lahi at walang sinuman ang tutulong sa ating inag bayan kundi tayo rin.

Napakaraming tama dito sa akin

Ngunit bakit tila walang natira

 

By: Dalisay E. Paguio | Teacher II | Pablo Roman NHS | Orion Bataan

Website | + posts